![]() | You are viewing Log in Create a LiveJournal Account Learn more | Explore LJ: Life Entertainment Music Culture News & Politics Technology |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
ok, so finally kanina inamin ko kay zig kung sino yung crush ko sa Funhouse, tapos ang hirap kasi ayoko nga sanang sabihin dahil gusto ko pang matuwa at wag munang makarinig ng reality-check-type info. sabi ko, "nasa pedestal pa siya eh." sabi naman ni owel, "eh sabi mo, 'it's lonely on that pedestal.'" so dahil pansamantala akong nabaliw o nalito at naisip kong ayoko namang iwan si pomo na lonely (hahaha), sinabi ko kay zig para makababa na siya.
sabi ni zig, it's too late, baby, now it's too late, in a very un-karen carpenter-like manner; may ibang pinopormahan si pomo, as i suspected. pero ok lang naman dahil na-feel ko nga na yun yung case, since may isang communicator message na umalerto sakin nang hindi ko maiwasang basahin. so ang weird ng mga naramdaman ko: halong relief, dismaya at "oks lang"-kibit-balikat. mabubuhay naman kasi ako, kasi feeling ko naman kahit hindi pala si pomo, pwedeng ibang tao naman (in or out of the Funhouse), basta alam kong parating na siya. nararamdaman ko na kasi na palapit na talaga, in the same way na alam kong palapit na ang pasko: umiiba ang hangin, dumadalas ang ngiti, tumatagal ang maaliwalas na pakiramdam.
sabi ni zig, "pakiramdaman natin. malay mo." pero sabi ko ayoko na rin naman kasing sirain yung mga mabuting pagdaloy ng mga bagay-bagay. hindi ko naman kailangang manira ng kasiyahan kung patungo na dun yung ibang tao.
so nung nagpaalam na kami kay owel at paakyat na kami ni zig ng elevator, pinagalitan ako ni zig. "ba't kasi ngayon mo lang sinabi eh."
"ang hirap eh! hindi ko alam kasi kung pano... tsaka gusto ko lang ma-feel yung simpleng kilig muna. kasi kung sasabihin ko na sayo, ibig sabihin seryoso na at magpapatulong na ako!"
"eh kasi kung sinabi mo sa'kin kaagad, e 'di natulungan pa kita!"
"ha? paano?"
"eh kasi, 'tong si ___, nung una niyang nalaman na tanggap ka, naexcite pa yun eh."
"HA? hindi nga." walang masabi. MEMA. "ziiiiig, ano yun? what do you mean? tell me!"
